Saturday, August 8, 2009

bayani na santo pa.?

Maraming Pilipino ang tumatanaw ng utang na loob sa yumaong dating Pangulo Corazon C. Aquino. Iyon ay dahil sa siya ang tinaguriang Ina ng Demokrasya ng ating bansa, ang dahilan at ang nagbalik ng demokrasya at kalayaang meron tayo ngayon. At hindi natatapos ang isyu sa kanyang pagpanaw...

May mga nagpapanukala na gawing bayani si Cory. At sabi naman ni Ate Glo, ok lang sa kanya. Walang problema. Sang-ayon din siya na gawing bayani si Cory. Ewan kung totoo pero malamang napipilitan lang 'to sa pag-oo.... Pero ito ang mabigat.., medyo indi kineri ng utak ko nung sabihing gagawing Santo ang yumaong dating Pangulo.... teka muna... indi ba parang OA na.?

Walang problema kung gagawin siyang bayani. Siya ang nagpalaya satin sa kamay na bakal ng mga Marcos eh. Parang nung paglaya lang natin sa mga manyakis na Hapon. At kahit sinasabi ng mga pinagkakapitaganang mga kritiko ng Pilipinas na may mga karumal-dumal na krimeng ginawa si Cory nung siya ay pangulo ng bansa, that won't count. Ewan ko kung napatunayan yun pero, kung si Rizal nga na pambansang bayani eh akalain mong mas bagay tawagin na pambansang playboy. Ibig sabihin, kahit bayani may kabulastugan din... So ayun, ok lang na isama si Cory sa listahan ng mga bayani ng Pilipinas tulad ng nauna ng yumao niyang asawa na si Ninoy Aquino.

Pero... yung gawin siyang Santa, OA na yun. Ang pagkakaalam ko kasi, kapag ginawa kang Santo o Santa, wala kang kasalanang ginawa.... O kaya wala kang nilabag sa 10 utos ng Diyos. Eh ang kaso nga, ayon na rin sa mga takot tumanaw ng utang na loob, may mga krimen ding kinasangkutan si Cory noon. Bagay na nagsasabing indi siya qualified maging Santa.

Tama ng gawin siyang bayani... huwag ng gawing Santo. Ibang level na pag ganun. Kasi pag ginawa siyang Santo, ibig sabihin nun makikita na siya sa mga simbahan.? Ibig sabihin ba nun mananalangin na rin sa kanya ang mga Pilipinong nahihiyang humiling sa Anak at sa Ama kaya dumadaan muna sa mga santo?

Hindi talaga ko sang-ayon dun.... Naipakita na nating mga Pilipino kung paano tayo tumanaw ng utang na loob sa kanya.

Hindi na kailangang gawin siyang isang Santo....

Pwede siyang igawa ng monumento sa EDSA, sa eksaktong lugar kung saan naganap ang People Power 1 at kilalaning isa sa mga bayani ng ating bayan...

1 comment:

  1. over-rated na talaga. unang-una hindi naman sya yung bayani, ang asawa nya. pinagpatuloy lang nya yung mga sinimulan, pero hindi naman siguro tamang ibigay sa kanya ang lahat na papuring yan. hindi sa inaano ko siya, pero mali na talaga e. tapos santo pa e no? naging kasing martyr ba sya kagaya ni san lorenzo ruiz at mother teresa? masugid na deboto lamang sya, nothing beyond the ordinary. nothing holy in any sense of it. XD

    ReplyDelete