Saturday, August 8, 2009

Ina ng Demokrasya

Mula ng ibalita na may sakit na colon cancer ang dating Pangulo, hindi tumigil ang suporta ng napakaraming Pilipino para sa kanyang paggaling. Ilang healing mass ba ang inialay para sa kanya.? Ilang panalangin kaya ang narinig ni Bro na nagsasabing nawa'y gumaling na ang unang babaeng Pangulo indi lang ng Pilipinas kundi ng buong Asya.? Pero sabi nga, kung oras mo, oras mo na...

Sa pagpanaw ni Cory, indi lang ang pamilya niya ang nagluksa at nawalan kundi ang mga Pilipino rin. Nakita natin kung gaano karami ang mga taong pumila para masilayan siya sa La Salle Greenhills at sa Manila Cathedral (na ang dulo ng pila ay sa Lawton mo na makikita). Nakita rin natin kung gaano karami ang mga Pinoy na sumama sa paghahatid sa kanya sa kanyang huling hantungan, karamihan ay kabataan. Mga taong indi alintana ang sungit ng panahon... ang importante sa kanila ay ang pagtanaw ng utang na loob sa taong kinikilala nilang nagbalik at naging daan upang magkaroon sila ng kalayaang ngayon ay kanilang tinatamasa.

Sinong tanga kaya ang indi nakakaalam ng makasaysayang EDSA People Power.?

Nung araw ng libing ni Cory, parang EDSA ulit... ang daming tao... kulay dilaw na damit, ribbon, confettis, atbp... mga nakataas ang kamay at naka Laban sign... EDSAng EDSA di ba.?

Siguro nga, may mga ginawa rin siyang hindi maganda nung nakaupo pa siya sa pwesto na indi alam ng nakararaming Pilipino... Totoo man o hindi, ewan ko... Napatunayan ba o bintang lang, malay ko...

Para sa akin, hindi mababago nito yung katotohan na siya ang muling nagpalaya sating mga Pilipino. Siya ang nagbalik ng demokrasya na tinatamasa natin ngayon. Siya ang nagbalik ng mga kayamanang ninakaw ng Marcos.

Alam man natin o hindi kung ano mang katiwalian ang ginawa niya noon, still, siya pa rin ang dahilan kung bakit tayo malaya ngayon....

Hindi nakamamatay ang pagtanaw ng utang na loob paminsan-minsan.

At lalong hindi nakamamatay ang pagsasabi ng SALAMAT.

No comments:

Post a Comment