Sunday, July 19, 2009

makapag-blog na nga...

Sa totoo lang pangalawang account ko na 'to eh. Yung una ang tagal ko ng nagawa kaso dahil nga sa tamad ako magsulat at wala rin naman na akong oras kaya ayun, naburo at kinalimutan ko na lang yung blog account na yun.

Pero kanina, habang nasa jeep ako papasok ng office napag-isip-isip ko na dapat meron din akong blog... sa dami ba naman ng mga nararanasan at nangyayari sakin sa araw-araw, siguradong may entry ako lagi, wag lang tatamarin.

Bibigyan ko kayo ng konting info tungkol sa ugali ko... ang pinaka-famous kong ugali since birth ay ang pagiging mataray. Sabi nilang lahat (oo, nilang lahat), sa unang tingin palang daw alam na agad na mataray at suplada ako. Hindi na ko kumokontra, aminado ako. Bukod pa sa may bonus na mabilis uminit ang ulo, mataray talaga ako. Kaya naman ang super mapag-alaga kong ina ay hindi nakakalimot paalalahanan ako lagi na bawasan ko ang katarayan ko lalo na pag nasa mga pampublikong lugar para makaiwas sa away at sa kulam (oo ulit, kulam. naniniwala kami dun).

Iba-ibang uri ng tao ang mga nakakasalamuha at nakikita ko. May mga nakakatuwa pero kadalasan nakakayamot. Pero dahil nga sa takot ako sa kulam (indi sa away), talaga namang lubos ang pagpupursigi ko na wag magtaray. Kaso ang ending, ganun pa rin. Katarayan.

Nung isang araw pauwi kami ng kapatid ko. Bumabagyo kaya nag-MRT-LRT kami. Matapos ang 48 years na pag-iintay, dumating na rin sa wakas ang train ng MRT. Puno, tapos ang dami naming nag-iintay. Napansin ko yung kapatid ko ginigitgit nung isang babae, nakikipag-unahan ang bruha. So sabi ni kapatid, "sige mauna ka na..". Himbis na magpasalamat talagang nanguna nga siya at ang masakit pa sa paa nito eh natapakan niya yung kapatid ko na nasa likuran niya. Lumingon lang ang gaga pero indi nag-sorry. Napikon ako, sabi ko sa kapatid ko "sabihin mo sa kanya sorry natapakan ka.!!" (with exclamation point kasi nilakasan ko talaga boses ko). Aba, at nag-react ang bruha, isang kahanga-hangang speech: "tinutulak kasi nila ko eh, nag-sorry na ko kanina..!" what the.?? nahayblad ako... binigyan ko rin siya ng isang matinding speech: "kanina yun, ngayon mo lang siya natapakan.!!" at isang malutong na, "STUPID.!"
Yung mga pasahero nakatingin lahat sakin... ang bruha nasa tren na humabol pa ng tingin, irapan ko nga.... si kapatid indi ako inawat, mukang natuwa pa yata sa pagtatanggol ko sa naapi niyang daliri sa paa..

No comments:

Post a Comment